89: Hayo na't ating ipagdiwang
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
(1)
Mga kawal ni Kristo Hesus
Hayo na at ating ibantog
Ang pagkabayubay N'ya sa krus
Nang ang sala nati'y matubos
(Koro)
Hayo na't ating ipagdiwang
Aral N'yang tanging kaligtasan
Sa lahat ng dako ay isigaw
Ang gintong aral
Sa taong nangadidiliman
Nang ang puso't isip mabuksan
Upang tamuhin nila't makamtan
Ang langit na kaharian
(2)
Ang dahilan ng pagpanaog
Ni Hesu-Kristong Mananakop
Upang tayo ay magsipasok
Sa Banal na Iglesia ng Dios
(3)
Kay Kristo Hesus na nga lamang
Ang tao'y hindi hahatulan
Ito ang tanging matutunghan
Nasa Banal na Kasulatan
(4)
Kaya kung iyo nang marinig
Ang matatamis Niyang tinig
Pagkutya'y mga pag-uusig
Iwalay mo sa iyong dibdib.
<< Home