75: Hula ng Dios sa Kasulatan
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
(1)
Hula ng Dios nasa kasulatan
Kung ang mundo'y malapit wakasan
Langit, lupa tuluyang mapaparam
Mga Salita ng Dios masasaksihan
(Koro)
Ibandila... ilathala ang babala
Sa dalaga, binata at madla
Sa taong nagwawalang bahala
Nang maligtas sa dusa't mga sakuna
(2)
Ang hulang ating masasaksihan
Lalago ang mga kaalaman
Ang sasakya'y magsasalimbayan
Sa lupa papawirin at karagatan
(3)
Ang asal at ugali ng tao
Magugumon sa layaw at bisyo
Mga anak titigas ang ulo
Sa magulang ay masuwaying totoo
(4)
Ang di ikapagbabalik-loob
Ng tao sa pagsunod kay Hesus
Sa salapi'y magiging maimbot
Tanging dahilan ng paglimot sa Diyos
(5)
Kaya halina't dagling lumapit
Tupa ng Dios na nangawawaglit
Ang lahat mong sala ay itangis
Nang magtamong buhay sa Dios ng pag-ibig.
<< Home